Sunday, March 11, 2012

Bahala na si Batman

Para kang isang maze...
hindi kita mabasa...
napakalabo... hindi ko makita...
isang araw, parang may gusto ka na...
bukas, parang di mo ako kilala...
nakakainis ang mga taong tulad mo...
parating pinapakabog ang puso ko...
hindi ko alam kung maiinis ako...
o hahayaan nalang na mahulog ako sa'yo...
parang kailan lang nang tayo'y muling magkita...
pero bakit parang, mundo ko'y sa'yo na...
nakakapagtataka talaga ang anyo ng pag-ibig...
hinding-hindi mo madama kung ito'y nag-iba ng himig.
pero sabi ng isang kaibigan,
huwag aasa sa isang tinginan lamang...
maaaring lokohin at paniwalain...
ang mga damdaming mapusok at mapangarapin.
Hahay puso, bakit sa'yo pa tumibok...
Wari'y hindi maintindihan ng isip kong bulok.
bakit nga ba isang tao pang walang pakiramdam
ang nais mahalin ng puso kong walang alam.
hindi alam anong gagawin
sa susunod na ang tadhana'y magbiro rin.
Bahala na si Batman kung ano man...
basta ako'y sisikaping di ka na titingnan...

No comments:

Post a Comment