Tuesday, December 04, 2012

Tunay
















Sino nga ba ang may sabi na mahalin mo siya?
Sino nga ba ang maysabi na magtiwala ka?
Sino nga ba ang nagtulak para alalahanin mo siya?
Diba wala?

Ako.
Oo ako.
Sino pa nga ba kundi ako.
Dahil desisyon kong masaktan ako.

Alam mo namang mahirap magtiwala ulit.
Pero bakit sa kabila ng pagkabigo, nagmahal ka pa ulit?
Dapat nadala ka na nung una palang,
Nang hindi ka na naman umiiyak nalang.

Sa kabila ng katotohanan, umaasa ka pa rin.
Kahit klarong-klaro nang hindi ka na babalikan,
Ayun, nakaabang ka na naman,
Baka sakaling magbago ang kapalaran.

Pero payo ko sa sarili ko,
Tama na at huwag nang magpakagago...
Dahil kung tunay pag-ibig nga yan,
Hinding-hindi ka masasaktan ng ganyan.

No comments:

Post a Comment