Diwa'y pagliyabin,
Isip pagalawin,
Puso'y pagsamahin
Sa iisang mithiin.
Kumilos ka!
Dahil tayo ang nakatakda,
Para bawat butil mapag-isa
Iisang lahi ng iisang bansa.
Huwag lamang tumunganga,
Mga problema'y 'wag isa walang bahala,
Unang hakbang, ikaw ay gumawa,
Nang lahi ay magsama-sama.
Problema'y tukuyin at lutasin
Hidwaa'y tigilan at hilumin
Pag-uunawa at pag-ibig ang pairalin,
Tiyak nais natin mararating din.
Kumilos ka!
Kabataan simulan mo na!
Bukas natin paghandaan na,
Sa'yo magsisimula at bukas, mga anak mo na.
Kumilos ka na!
Ang panahon ay ngayon na.
Para bukas o sa makalawa,
Tayo'y gigising nang mas masaya!
No comments:
Post a Comment