Tuesday, February 14, 2012

Friendzoned... Ate-zoned???

Waaaah! Anong nangyayari??? Bakit nagkakaganito ang lahat? Kapag na-inlove ako, doon sa taong taken na o may ka-MU na, o mas bata pa sa akin. Kagaya ngayon, may nagugustuhan na naman akong isang lalaking taken, may ka-MU at mas bata sa akin! Ano 'to? Package deal???

Hahay... nagsimula ang lahat ng pumasok ako sa isang committee ng student council sa unibersidad. Nung una ko siyang nakita, nasabi ko sa sarili ko, "Aba! Ang talino ng batang ito, anong year na kaya ito?" Ako'y namangha sa taglay niyang katalinuhan, kung gaano niya ako napapatunganga sa tuwing nagsasalita na siya. Napakasaklap isipin na may kasintahan na siya. Ang swerte naman ng babaeng iyon. Napakabait niya kahit medyo may kakulitan, napaka-"gentleman"... nakaka-inlove.

Hahahahaha...

Hanggang isang araw kami'y naging kaibigan... mas lalo akong namangha sa kanyang mga kinukwento, sa kanyang pagkatao. At mas lalo ko siyang minahal. Ngayo'y ako'y naguguluhan kung totoo nga bang pag-ibig ito o sadyang namimiss ko lang ang aking mga kapatid na nasa malayo, kaya naghahanap ako ng mga taong parang kapatid na rin.

Alam ko na lahat ng taong dumarating sa buhay natin ay may kanya-kanyang layunin at papel na kailangan nating malaman sa mga panahong kasama natin sila sa ating paglalakbay sa buhay na ito. Pero isa lang ang masasabi ko, nirerespeto ko kung anong meron kami, at kung paano niya ako tinatrato... At ako'y lubos na nasisiyahan kasi tinuturing niya akong Ate. :D

Kahit na friendzoned, ahy, Ate-zoned pala, masaya pa rin ako at lubos na nagpapasalamat sa pagdating niya sa buhay ko..

No comments:

Post a Comment