Alam niyo ba kung bakit kami makukulit? Kasi gusto lang namin na okay kayo para malaman namin kung may problema ka ba o ano man. Higit sa lahat, gusto lang namin ipadama sa inyo na kahit gaano na kadami ng ginagawa namin, nagagawa pa rin naming komontak sa inyo dahil gusto naming malaman ninyo na minamahal namin kayo.
Alam nyo ba kung bakit moody ang mga babae? May kanya-kanya kaming rason pero kadalasan, hormonal imabalance lang yan. Ang mga babae kasi gusto naming lambingin kami, hindi kami nagsasawa sa ganun, pero paminsan hindi lang namin masabi na gusto naming magpalambing dahil medyo korny na pero yun ang totoo.
Hindi importante sa mga babae kung gaano kamahal ang binibigay mo sa kanilang tsokolate o bulaklak... Kahit nag-iisang bulaklak lang na nakita mo sa daan, o kahit nag-iisang chocolate candy lang yan, okay na. Mas tinitingnan namin yung effort at mas kinikilig kami kapag naaalala niyo kami sa mga simpleng bagay na nakikita o ginagawa ninyo.
Napakahirap kaya maging babae, kaya saludo ako sa mga ina saan mang sulok ng mundo. Nagluluto, naglalaba, naghuhugas ng plato, naglilinis, nagmamahal, nag-aaruga, nag-aalala, at iba pa... yung iba nga may trabaho pa habang ginagampanan ang pagiging ina.
Ang babae, kapag nagmahal, makikita at mararamdaman mo. Maya't maya sasabihan ka ng 'I love you" o di naman kaya'y 'I miss you'... Kahit sa mga konting bagay na ginagawa nila para sa'yo, mapapansin mo talagang, work of love ang mga ito.
Isa pang katotohanan ay kahit ilang ulit na silang niloko ng mga lalaki sa buhay nila, nagsisikap pa rin na maisalba ang relasyon nila. Magagalit, oo. Magtatampo, oo. Pero, kaming mga babae ay mga emosyonal. Kaya idolo ko talaga ang mga babaeng marunong magtimpi.
Ang masakit lang ay sa kabila ng lahat ng pagmamahal na binibigay ng mga babae, sa bandang huli ay iiyak at iiyak pa rin sila.
Payo ko sa mga lalaki, alagaan ang puso ng mga babae, kasi sila, pag nagmahal, totohanan. Mahirap nang mawalan ng isang dyamante sa buhay.
Sa mga babae naman, sabihin kung anong nararamdaman at huwag magkunwaring okay ka lang. Be wise. Kung ilang beses ka nang niloko at kung ilang beses ka nang nagpatawad at nagbigay ng pagkakataon, tama na. Malay mo, darating yung tamang tao na karapat-dapat sa pagmamahal mo...
#notetoself
No comments:
Post a Comment