Thursday, September 06, 2012

Wakasan

Pagmulat ng mata,
Kaguluha'y nakita,
Hidwaang namana
Alitang napasa.

Dusa sa mga bata,
Pati sa pusong nakatadhana,
Sitwasyong nakaugat na,
Dalawang nag-iibigan ang nagdurusa.

Bakit ganito, nadatnang kultura,
Ugnayan ng puso'y pilit sinisira,
Anong pwedeng gawin ng mga nangungulila,
Lumaking iba-iba ang paniniwala.

Dapat bang baguhin,
Nakasanayang gawain,
Upang ikaw ay makapiling,
Minamahal kong giting.

Maliwanag na bukas,
Siguradong mararanas,
Hindi lamang ng mga pusong nagmamaliw,
Pati ng mga anak ng inang bayang giliw.

Dapat simulan, pagbabagong inaasam,
Pagkakaisa't pagkakaintindihan makakamtan
Paghihiwalay at pagkukumpul-kumpol ay wakasan.
Nang lahat ay mamuhay sa kapayapaan at pagmamahalan.

No comments:

Post a Comment