Thursday, September 06, 2012

Ikaw at Ako

Magkaiba man ang kulay
Pati istorya ng ating mga buhay
Iba't iba man ang nakaugalian,
Iba't iba ang katangian...

Bawat araw mas nakikita,
Pagkakaugnay ng bawat diwa,
Dugo ko'y dumadaloy sa iyo,
Dahil tayo'y Pilipino, ikaw at ako.

Tubig ma'y hinihiwalay bawat damdamin,
Lingwahe nama'y tayo'y pinapahinhin,
Ngunit ang pintig ng puso'y iisa ang himig,
Awit ng puso'y iisa ang tinig.

Ikaw at ako, Pilipinong totoo,
Sa dugo at isip, tayo ay binubuo.
Tungo sa makabagong mundo,
Magkabalikat, tayo'y hahango.

Ikaw at ako, magkaisang tunay,
Para kinabukasan ng Pilipino'y tiyak na tagumpay,
Ikaw at ako ang susi ng lahat,
Para pagkakaisa't pag-unlad sa atin sisikat.

Inspired by: Al Qalam: Interfaith Camp and Leadership Training Batch 1
September 1-4, 2012 at Pamulaan Heritage Center, Mintal, Davao City

No comments:

Post a Comment