Thursday, January 05, 2012

Huling Pag-ibig


 
(December 16, 2011)
Kay  lamig ng pasko ngayong taon na ito
Walang yayakap sa puso ko
Nagpasyang iwanan ang mundo ko
Resulta'y nag-iisa ngayong pasko...

Nagpaulan ng pagmamahal buong taon,
Layunin ay lunurin ka ng pagmamahal na yaon.
Ngunit 'di namalayang sobra-sobra na pala,
At napilitang magpasagip sa iba.

Talagang mapaglaro ang tadhana,
Nagkataon pang ngayon ako'y mag-isa,
Sa panahong mas kailangan ng kasama,
Sa panahong kailangan maging masaya.

Ako'y nasa tabi na lamang habang nakatulala,
Nakitingin at puno ng pagnanais na uli'y makasama,
Kahit ngayong Pasko lang madama ang init,
Ng yakap at halik ng huling pag-ibig.

No comments:

Post a Comment