Wednesday, November 16, 2011

Naghihintay

Nakakabagot...
Nakakapagod...
Nakaantok...
Nakakainis...
Nakaka...

Saan ka na ba?
Hating gabi na...
Nakatunganga pa rin,
Nakatingin sa bituin...
Diba dati-rati,
Palagi ka namang nasa oras?
Bakit ngayon mag-dadalawang oras na,
Ika'y hindi pa rin matanaw sa kanto...

Talaga nga naman...
Nung nanliligaw pa,
Panay ang buntot...
Para na nga kitang alalay nun...
Paglabas ng bahay,
Mukha mo agad ang nakabalandra...
Pagkatapos ng klase,
Anino mo ang kitang-kita sa bintana...

Mag-lilimang taon na...
Pero unti-unting naglalaho ang iyong presensya...
Saan ka na nga ba?
Mga kulisap sa gabi nag-iingay na...
May iba ka na ba?
Bakit nga ba?

Nakakapagod...
Nakakapagod talaga...
Ayoko na...
Kaya bukas nalang ulit,
Hihintayin kita,
Hanggang makauwi ka na...

No comments:

Post a Comment