
Saan nga ba nagsisimula ang lahat?
Sa love at first sight?
Sa Hello at Hi?
Sa pangiti-ngiting sandali???
Minsa'y nagtataka kung bakit...
Bakit hanap-hanap ka sa bawat saglit.
Anong mahika ang ginamit mo,
Bakit tila ayokong mawala sa piling mo.
Nakakatawa paminsan-minsan
Hanap ako ng hanap,
Ayon pala'y nasa tabi ko lamang,
Ang tanging taong mamahalin kong ganap.
Bakit pa nga ba nagustuhan ka,
Bakit nga ba ikaw pa?
Pero, habang tinatanong ko ito sa sarili ko,
Lalo kong naisip na talagang napapagawa mo akong isipin ka.
Pero ayaw kong sabihin ito,
Baka ako'y masaktan lamang sa sasabihin mo.
Tama na sigurong sa mga maiikling panahon na ika'y kasama,
Napapangiti mo di lamang mga labi ko, pati na ang puso ko.
No comments:
Post a Comment