
(December 16, 2011)
Abot tanaw sa dakong iyon,
Mga ngiti sa pagtatapos ng taon,
Nawa'y manatiling tanglaw
Sa bawat taon, at sa bawat araw.
Alam kong hanggang tingin na lamang,
Hanggang panaginip na nga lang,
Ang makasama ka ng matagal,
At makausap ka, at masabing ikaw ay mahal.
Sana'y pang habang panahon ang pagtulog ko,
Dahil doo'y masaya ako sa piling mo.
Ika'y abot kamay at kayakap,
Sa tuwina'y puso ko'y masayang ganap.
No comments:
Post a Comment