Wednesday, August 31, 2011

Truck Natumba - Isa Patay (Final)



by: Kristine Yuzon

Jerry Caballenero, 20 anyos na taga General Santos City, namatay matapos matabunan ng mabibigat na construction materials nang tumilaob ang truck na sinasakyan. Papunta sana ng Cotabato City ang truck para maghatid ng mga tao at materials nang mangyari ang aksidente sa Banate, Malungon Sarangani Province noong Linggo, August 28, 2011.

Pagmamay-ari ni Engr. Estan Islaw Balulot ng AB VISION Engineering Construction-General Santos City ang truck na naaksidente. Sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng truck habang sinusubukan nitong mag-change gear. Ito ang dahilan kung bakit umekis-ekis sa daan ang truck bago ito natuluyang matumba. Nang mapansin ito ng mga taong nakasakay sa likod, kanya-kanyang talunan ang mga ito ngunit naiwan ang biktima dahil umanoy hindi nito napansin ang mga pangyayari.

May sakay na 17 katao ang truck, ang may-ari, asawa nito at anak, pati ang driver ang nakasakay sa harapan habang ang iba ay nakapatong sa mga construction materials sa likod. Ang walo ay isinugod sa ospital habang ang namatay ay idineretso sa malapit na funeral home. Ang driver naman na si Robert Catingob ay idineretso sa Malungon Police Station para imbestigahan.

No comments:

Post a Comment